Den Lucas's profile

Shapes Bakeshop

Shapes Bakeshop Ugoy Ugoy  (350g)
Naghahanap ng perfect na pasalubong at swak sa budget? Subukan ang sikat na sikat sa Romblon, ang Tipin ng Shape's Bakeshop! Ang Tipin ay isang katakam-takam na manipis, bilog, puti, at malutong na tinapay na perpektong kainin kasabay ng mainit at malamig na inumin! Kilalanin natin ang Shape’s Bakeshop! Ang Shapes Bakeshop, na dating kilala bilang ACF Commercial, ay mahigit 30 taon nang bukas. Kaya naman sila ay kinikilala bilang isa sa pinakamalaki at pinakamatandang panaderya sa bayan ng Odiongan, Romblon. 

Nagsimula ang panaderya noong 1983, nang ang pamilya ni Ms. Kim Fernandez ay nakibahagi pa sa pangangalakal at paggawa ng pansit at tinapay. Nakita nila na malaki ang kontribusyon sa kanilang kita ang pagbebenta ng tinapay kaya sila’y nagpasya na magpakadalubhasa dito. Sa loob ng maraming taon, kanilang ipinagmamalaki ang mura pero mataas na kalidad na tinapay sa kanilang mga tapat na mamimili. Isa sa mga pangunahin nilang produkto ay ang “Tipin”. 

Humingi ng tulong ang Shapes Bakeshop noong 2014 sa DOST-MIMAROPA para pagandahin ang kanilang packaging at labeling materials. Sila rin ay nabigyan ng dough mixer, stainless top table, at mga istante para gumanda at mapabilis ang produksyon nila. Noong 2017, sila ay muling naging kliyente ng DOST-MIMAROPA at nabigyan ng PhP 1.4M. Ang Shapes Bakeshop ay nakakuha ng karagdagang mga teknolohiya sa pagbe-bake kabilang ang sheeter, two-door proofer, three-deck gas oven, at cookie forming machine na nagpapahintulot sa kanila na makagawa ng mas mataas na kalidad ng mga produkto at doblehin ang dami ng produksyon. 

Ang buwanang benta ng bakeshop ay tumaas ng halos 248% mula sa 166% average productivity. Ang kanilang tagumpay ay nakatulong din sa pagbibigay ng mga trabaho sa mga lokal na residente ng Romblon pagkatapos ng interbensyon. Dahil sa pagtaas ng benta nito, nagawa rin ng Shapes Bakeshop na taasan ang suweldo ng kanilang mga manggagawa. 

𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗶𝗺𝗮𝗿𝗼𝗽𝗮𝘃𝗲𝗻𝘁𝘂𝗿𝗲𝘀.𝗽𝗵? Ang https://mimaropaventures.ph ay isang digital marketplace na ginawa ng DOST-MIMAROPA para maipakilala ang mga lokal na produkto ng mga assisted micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa MIMAROPA sa mas maraming mamimili sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa website, i-kokonekta ka sa assisted MSMEs para ikaw na ang direktang makipag-transact sa kanila. Secure at hassle-free, ‘di ba? Kaya log-on na sa mimaropaventures.ph!

#mimaropaventures #DOSTMIMAROPA #HatidAyMakabagongSolusyon #DOSTPH #ScienceForThePeople #BagongPilipinas #Romblon #DOST #suportlocal #buylocalgolocal #buylocal #golocal #HealthyTipsForAHealthyBody #tipin #tipinph #tipinromblon #shapes #shapesph #shapesromblon #shapesodiongan #tipinodiongan #odiongan #pasalubongph #pasalubongodiongan #pasalubongromblon
Shapes Bakeshop
Published:

Owner

Shapes Bakeshop

Published: